Blog EntryProtesta ng Mamamayan sa Hulyo 29-30, 2008Jul 25, '08 4:42 PM
for everyone
Dumalo makiisa, sumama sa Protesta ng Mamamayang Bikolano laban sa pagtaas ng produktong petrolyo, pagtanggal ng Value Added Tax, Pagtaas ng presyo ng Bigas at iba pang bilihin sa darating ng Hulyo 29-30 2008.

Isasagawa ang dalawang araw na Transport Strike sa Albay, Sorsogon, Iriga, Naga, Daet, at Virac.

Lumabas sa mga bahay, huwag pumasok sa eskwela, sa trabaho. Tumungo sa mga Mass Action Center upang ipakita ang diskuntento sa rehimen ni Arroyo.

Kita-kita tayo...

BULADAS NI GLORIA, PASANIN NG MASA! PATALSIKIN NA!

 

“Anumang pambobola, hindi na uubra. Hindi na maitatago pa ang kumakalam na sikmura, butas na bulsa at kawalang hanapbuhay ng mamamayang Pilipino sa loob ng walong (8) taong pananatili ng kapit-tuko at pekeng pangulong si GMA”.

 

Sa kabila ng sumasambulat na krisis pang-ekonomiya at pampulitika, muli na namang maglulubid ng kasinungalingan at pambobola si Gloria Macapagal-Arroyo ngayong Hulyo 28. Ang kanyang ika-8 State of the Nation Address (SONA). Katulad ng mga naunang SONA, asahang ipagyayabang niya na diumanoy napakaganda ng kalagayan ng ating bansa.

 

Ang pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) noong nakaraang buwan na nagsasabing si GMA ang “most unpopular President” at hindi pinagkakatiwalaang Pangulo sa kasaysayan ng bansa matapos ang martial law ay nagpapatunay sa kasinungalingan ng Malakanyang sa pagsasabing ramdam ng taumbayan ang pag-asenso.

 

Presyo ng langis, kuryente at pangunahing bilihin, TUMAAS!

  • Dahil sa Oil Deregulation Law at kainutilan ng administrasyong Arroyo na pigilan ang mga dambuhala at ganid sa tubong kumpanya ng langis, linguhan ang pagtaas ng presyo nito na umabot na sa P1.00 hanggang P1.50. Simula Enero 2008 hanggang huling lingo ng Hulyo, 19 ulit ng tumaas ang presyo ng produktong petrolyo. Ang diesel ay P55.80/litro, P63.50/litro sa gasoline. Bingi ang pamahalaan sa lumalakas na panawagang ibasura ang Value Added Tax o VAT.

 

  • Umabot na sa P37-45 ang presyo ng commercial rice sa mga palengke ngayon sa Kabikolan. Pinalala pa ito ng ihinto ang pagbebenta ng P18.25 NFA rice sa pamilihan na siyang tanging kayang bilhin ng karamihan. Walang tulong at programang ibinibigay ang gobyerno sa mga magsasaka para sa pagpapataas ng lokal na produksyon ng palay habang pinag-iibayo ang pag-aangkat ng mga ito sa Vietnam at Thailand.  

                  

  • Pumalo na sa 11.4% ang tantos ng implasyon noong buwan ng Hunyo. Pinakamataas sa loob ng 9 na taon. Tumaas ng 14% ang presyo ng pagkain nang tumaas ng 31.7% ang presyo ng bigas at 21.7% naman ang mais.

 

  • Ang hindi dumaan sa malawakang konsultasyon na pag-take over ng NAPOCOR sa ALECO noong July 17, 2008 ay mas magreresulta sa mataas na singil sa kuryente at tuluyang pagsasapribado ng kooperatiba. Ito ay bilang pagsunod sa programang pribatisasyon ni GMA sa sektor ng enerhiya. Matatandaang si GMA mismo ang nagpasa ng Electric Power and Industry Reform Act o EPIRA na nagbukas para sa pagsasapribado ng NPC at pagbibigay kapangyarihan sa mga Independent Power Producers o IPPs na ariin at pagkakitaan ang enerhiya sa bansa.

 

Sahod at trabaho, WALA!

  • Sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, hindi na makaagapay ang kakarampot na sweldo ng manggagawa. Ipinagmalaki ng administrasyon ang Wage Order #13 na nagbigay ng P13.00 limos sa Cost of Living Allowance ng manggagawang Bikolano.

 

  • Ang mga manggagawa sa pribadong sektor, transportasyon partikular ang mga drayber ng dyip ay nagtitiis sa P200 arawang kita. Kulang na kulang para sa P678 daily cost of living allowance ng bawat pamilyang Bikolano.

 

  • Mismong datos ng gobyerno batay sa pinakabagong inilunsad na Labor Force Survey ng National Statistics Office noong Abril 2008 ay nagpapatunay sa kainutilan nito upang bigyan ng trabaho ang mga mamamayan. Ayon sa nasabing sarbey, tumaas ang tantos ng walang trabaho sa 6.5% o 1.2% mas matasas kaysa noong Abril 2007.

 

Korapsyon, katiwalian at pandarambong LAGANAP!

·          Ang katotohanan sa kalagayan ng bansa ngayon ay ang malaganap na korapsyon na lalong nagpapasiklab sa galit ng mamamayan. Ang P728 milyon Fertilizer Fund Scam, P3.1 bilyon Irrigation Fund Scam at ang $329 milyon NBN-ZTE Deal na pinirmahan mismo ni GMA sa China noong 2006. Mga isyung sangkot ang unang pamilya, kaya’t gamit ang mga masugid na kaalyado sa kongreso pilit hinaharang ang anumang imbestigasyon kaugnay ng mga nabanggit na usapin.

 

  • Sa ngalan ng tubo at pagbibigay pabor sa mga dayuhang korporasyon, walang habas ang pagbebenta at pandarambong sa likas yaman ng rehiyon. Sa pakikipagsabwatan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) tuloy-tuloy ang pagmimina sa isla ng Rapu-Rapu habang nakatakdang minahin ang ilang lugar sa Masbate.

 

Sa paghambalos ng mga isyung ito sa mga Bikolano ay maraming tumitindig at lumalaban. Ang sagot naman ng rehimen ay pinaigting na pamamaslang at paglabag sa karapatang pantao. Mula 2001 hanggang ngayong taon umabot na sa 160 ang kabuuang bilang ng mga pinaslang sa rehiyon. Sa kasalukuyan, tumitindi ang pandarahas at operasyong militar ng 2nd Infantry Battalion sa buong Bikol lalo na sa Masbate at Albay.

 

Ngunit sa kabila ng mga krisis at pasakit hindi mapigilan ang militanteng paglaban ng mga Bikolano. Papasigla ang mga protesta at pagkilos para ipaglaban ang karapatan at kagalingan ng mas nakararami. Ngayong Lunes Hulyo 28, muli nating ipakita ang ating nagkakaisang tinig at lakas. LUMAHOK SA PAGKILOS!

 

Papet, pasista, pahirap sa masa! Patalsikin si Gloria!

Panagutin at patalsikin ang kurap na rehimeng Arroyo!

Kontrolin ang presyo ng langis! Ibaba ang singil sa kuryente!

VAT sa langis at kuryente, tanggalin!

Tutulan ang NPC takeover sa ALECO!

Sahod itaas! Presyo ibaba!


Magki-kita tayo sa Airport ng Legazpi City sa Sabado Mayo 24, alas 8:00 ng umaga. Caravan from airport to Redemptorist Gogon Legazpi para sa misa then diretso sa Global Coliseum ng Bacacay Albay kung saan gaganapin ang lamay at parangal sa Kagalang-galang na Bikolanong si Kasamang Crispin Beltran ang dakilang lider manggagawa at AnakPawis Representative.

Muli nating ihahatid si Ka Bel sa Lunes Mayo 26 mula sa Bacacay patungong airport para ibalik sya sa Manila.

Ang National Day of Mourning and Protest ay sa Myerkules Mayo 28. Ililibing ang labi ni Ka Bel sa San Jose Del Monte Bulacan.

Sa lahat na nakakakilala, kaibigan, mga kasama at sa lahat na mga Bikolano, dalawin natin ang kanyang labi at makidalamhati sa kanyang pamilyang naiwan....

Aasahan namin ang inyong pagtugon. Salamat!


KRUSADA PARA SA KATOTOOHAN ASIN KATANOSAN

c/o 644 g/f Encarnacion Bldg., Rizal St., Old Albay, Leg. City


DEKLARASYON NG PAGKAKAISA


Mamamayang Bikolano, Magkaisa at Kumilos,

Kamtin ang Katotohanan at Hustisya!



Kaming mga mamamayang Bicolano mula sa iba’t ibang sektor ay nagkakaisa at buong lakas na sumusuporta kay G. Rodolfo Noel ’Jun’ Lozada sa kanyang katapangan, katapatan at lakas ng loob na ilantad ang lahat ng kanyang nalalaman kaugnay sa overprcing at kickbacks sa $329.5 milyong kontrata sa Zhong Xing Telecommunications Equipment Limited (ZTE) National Broadband Network Deal na pinasok ng gobyerno.


Buo ang aming paniniwala na ang kanyang binitawang mga pahayag at ng iba pang testigo sa kontrobersyang ito ay nagpapatunay lamang na talamak at malaganap ang kurapsyon, anomalya at isakandalo ng kasalukuyang gobyerno ni Gloria Macapagal Arroyo. Gobyernong tumutugon at tumatangkilik sa mga personal na interes, kapamilya o ng maliit na grupo ng sindikato sa loob at labas ng burukrasya habang nakasadlak sa kumunoy ng kahirapan ang karamihan ng mamamayan.


Ilan sa mga anomalyang ito na sangkot si Gloria at kapamilya nito ay ang $14M kickback sa Industrias Metalurgicas Pescarmona Sociedad Anonima (IMPSA), P321M election money laundering na nasa Jose Pidal Bank Account, $7.1M nakatagong kayamanan ng mga Arroyo sa San Francisco USA, mga imported na pangarerang kabayo ni Mikey Arroyo na nagkakahalaga ng milyun-milyon, P536M overpricing sa President Diosdado Macapagal Boulevard, $100M kickback sa maanomalyang kontrata sa NAIA 3/ PIATCo, P728 M pundo na tinaguriang fertilizer fund scam at marami pang iba.

Kinokondena rin namin ang mga hakbangin sa ngayon ng rehimeng GMA na busalan ang bibig, takutin at o tuluyang patahimikin ang sinumang mamamayang nagsasabi ng katotohanan. Ang ganitong mga hakbangin ang kumikitil sa karapatan ng mamamayan sa pagpapahayag ng katotohan at unti-unti pumamatay sa demokrasya ng ating bayan.


Naninindigan at naniniwala kami na ang ating bansa ay magkakaroon lamang ng tunay na pag-unlad at makakamit ang tunay na kapayapaan at hustisya kapag ang mga namumuno ay may moralidad at integridad.

Dahil dito, nananawagan kami sa buong mamamayang Bikolano na huwag hayaang maglaho at mapunta sa wala ang nasimulang paglalantad ng katotohanan ni Jun Lozada. Totoong masakit ang katotohanan subalit kung ito ang tanging pararaan upang lumaya ang ating bansa mula sa mga mapagasamantala kailangang igiit at ipaglaban ito.


Magsuri at makialam sa mga kaganapan sa ating bayan!

Magkaisa at kumilos, kamtin ang katotohanan at hustisya ng buong bayan!


Blog EntryJoin Prayer Rally @ Peñaranda Park Feb 15 3PMFeb 14, '08 6:54 AM
for everyone

To: All Bicolanos and Bicolanas,

Join Prayer Rally Against Corruption. Be part of the Krusada para sa Katanosan asin Katalingkasan (Movement for Truth and Justice).

Call the secretariat: (052) 480.5227 look for tessa

See u @ Peñaranda Park in front of Albay Capitol or Be part of the Broad united front for truth and justice at Ayala Makati on February 15 2:00pm. Assembly: Rustans Makati....


Blog EntryUpdates 4&5 Kampuhan Laban sa LafayetteDec 12, '07 11:21 AM
for everyone

UPDATE # 04 (12/12/2007)

Kampong Bayan Laban sa Pagmimina ng Lafayette sa Rapu-Rapu, Albay

Peñaranda Park, tapat ng Albay Capitol, Legazpi City

Sa kabila ng araw-araw na pag-ulan, nanatili ang Kampong Bayan at tuloy-tuloy na programa ang isinasagawa sa kampuhan. Nanatili at tuloy-tuloy rin ang pagbuhos ng suporta ng mamamayan laban ng mamamayan ng Rapu-Rapu laban sa Lafayette sa pamamagitan ng pagpapadala at pagpapahayag ng mensahe ng pakikiisa, pagdalaw sa kampuhan, pagbibigay ng suportang materyal at paglulunsad (ang iba ay nasa antas plano) ng mga activities tulad ng signature campaign, forum, konsyerto kaugnay sa pagmimina at kalikasan ng iba’t ibang organisasyon, institusyon, schools, religious groups (tinatalakay sa homily) sa buong rehiyon at maging sa antas nasyunal.

Noong Dec. 8 isang araw matapos na ipagtabuyan, lokohin at maniobrahin ni Aytona ang mamamayan ng Rapu-Rapu, nakatulong sa pagpapalakas loob ang pagdaos ng misa sa kampuhan (am) ni Fr. Rex Arjona – ang Chancellor Secretary ng Diocese ng Legazpi. Matapos ang misa, nadagdagan na naman ang lakas ng loob, tapang at sigla ang mamamayan ng Rapu-Rapu. Sa araw ring ito, bumisita naman si Vice Mayor kasama ang kanyang pamilya.

Nailunsad din ang pagtalakay sa Kalagayan ng Kabataan at Oryentasyon ng Anakbayan.

Noong Dec. 9 (Linggo) ng umaga ay nagdaos muli ng Misang Bayan sa umaga si Fr. Rex at may kasama pang mga parishioners niya.

Sa hapon naman ay nagkaroon ng talakayan kaugnay ng Kalagayan ng Kababaihan na pinangunahan ni Ms. Jenelyn Nagrampa – Sec. Gen. ng Bicolana Gabriela at Kalagayan ng Karapatang Pantao sa Bikol sa pangunguna naman ni Mr. John Concepcion – Spokeperson ng KARAPATAN – Bikol.

Sa gabi ay ang integrasyon naman ng Urban Poor at mga manggagawa kasabay nito ang talakayan sa Kalagayan ng Urban Poor at Kasaysayan at Kasalukuyang Kalagayan ng Kilusang Manggagawa. Matapos nito ay film showing na naganap at syempre pa kainan ng meryenda sa gabi dahil may dalang sopas ang mga nasabing organisasyon.

Masaya ang gabing iyon dahil nakikita at nararamdaman ng mamamayan ng Rapu-Rapu ang pakikiisa ng iba’t ibang sector, pagpapaabot ng mga solidarity messages at kapag natatalakay sa gabi ang mga press releases at araw-araw ng mga pahayag kaugnay sa kampuhan at sa laban sa Lafayette.

Kahapon, Dec. 10 – ay ang Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao. Ang pagdiriwang at paggunita ng mahalagang araw na ito ay sabay-sabay na isinagawa sa 6 na probinsya ng Bikol. Sa Albay, ito ay idinaos sa mismong kampuhan ng mga mamamayan ng Rapu-Rapu sa harap ng kapitolyo ng Albay. Sa kabuuang Bikol ay umabot sa humigit kumulang na 19,000 katao ang dumalo. Partikular sa Albay, ito ay nilahukan ng umabot 3,000 katao.

Ito ay pinangunahan ng BAYAN – Bikol at KARAPATAN – Bikol kasama ang lahat ng mga sektoral na organisasyon tulad ng KMP-Bikol, LAMBAT-Bikol, ADLO/KMU, BICOLANA-GABRIELA, ANAKBAYAN, LFS, PCPR at mga progresibong Party Lists tulad ng AP, BM, Gabriela, Kabataan. Kasama rin ang mga alyansa tulad ng UMALPAS KA – Bikol at SARA at  iba’t ibang institusyon, grupo at mga indibidwal. Partikular sa taong simbahan, kasama rito ang buong RGS at Redemptorist Community. Sa araw ring ito ay nagpresent ang LAYAG (ang nabuong cultural group ng mga kabataan ng Rapu-Rapu) kung saan sa presentasyon ay ipanapakita ang tunay na kalagayan ng isla ng Rapu-Rapu at mamamayan nito at ang ginagawang pagkilos at paglaban sa Lafayette.

Akmang-akma ang pagunita at pagdaraos nito sa mismong lugar ng Kampong Bayan dahil malinaw na malinaw na gayung mayroong internasyunal na deklarasyon sa paggalang sa karapatang pantao, ang nangyayari sa Rapu-Rapu ay malinaw na paglabag sa lahat at buong karapatan ng mamamayan sa buhay at kabuhayan. Inaalisan sila ng kabuhayan, nanganganib ang kanilang buhay at aalisan sila ng tirahan.

Ang nangyayaring extra judicial killings sa rehiyon ng Bikol ay pagpapatunay ng paglabag sa karapatang pantao at kung saan ang mayorya ng mga biktima ay mga lider at kasapi ng mga organisasyong kritikal sa pamahalaan at may mga pakikibaka kaugnay sa lupa at sa iba pang isyung nakakaapekto sa buhay at kabuhayan.

Sa panahon ng operasyon ng Lafayette marami nang mga kaso at insidente ng tahasang paglabag sa karapatang pantao sa mga mamamayan ng Rapu-Rapu lalo na ang mga tumututol dito. Inaasahang ito ay lalala pa sa pag-igting ng laban at pakikibaka ng mamamayan laban sa pagpapasara at pagpapalayas sa Lafayette. Sa pinakahuli ay ang pagaresto kina Antonio Cacitas (SAGIP Head Servant) at Stephen (volunteer documentor ng UMALPAS KA – Bikol at staff ng Bikol Xpress). Sila ay ikinulong ng mga 1 oras dahil sa isinagawa nilang rally sa tapat ng munisipyo.

Lahat ng mga nagging tagapagsalita sa Araw ng Pandaigdigan ng Karapatang Pantao ay ikinakabit ang usapin ng pagmimina ng Lafayette at ang Mining Act of 1995 at ang epekto nito sa isla at mamamayan ng Rapu-rapu.

Lalong tumaas ang moral ng mga taga Rapu-Rapu matapos ang rali dahil sa nakita nilang pakikiisa ng iba’t ibang sectoral organizations, taong simbahan, iba’t iba grupo at institusyon at indibidwal. 

UPDATE # 05 (12/12/2007)

Kampong Bayan Laban sa Pagmimina ng Lafayette sa Rapu-Rapu, Albay

Peñaranda Park, tapat ng Albay Capitol, Legazpi City

Dalawang piket ang isinagawa sa araw na ito:

  1. DENR – nagsalita ang 5 lider mula sa SAGIP ISLA, habang nagmartsa mula  Aquinas University patungong DENR ay nag-OP ang mga kabataan ng SAGIP ISLA ng mga panawagan laban sa Lafayette at pagmimina
    • wala man lang reaksyon ang DENR
  2. MGB – sa buong panahon ng piket ditto ay nagtatanawan ang mga empleyado nito
    • naging madamdamin na ang mga tagapagsalita mula sa Rapu-Rapu at umiyak pa ang isang lola na namatayan ng apo dahil sa kagutumang nararanasan sa Rapu-Rapu dahil sa Lafayette
    • ang mga piket na ito ay nacover ng ABS-CBN at nailabas sa TV Patrol Bicol nang araw ding ito

Nagtuloy-tuloy ang programa sa kampuhan at nang tanghali ay muling binasa ang mga pahayag na nailalabas sa buong panahon ng Kampong Bayan.

2pm ay naglunsad ng pag-aaral, ang Batayang Oryentasyon sa Kalikasan na ibinigay ng Farmers Assistance for Resource Management Education and Rehabilitation (FARMER), Incorporated. Umabot sa 44 ang participants at iba naman ay nakikinig din kahit mayroong ibang ginagawa sa kampuhan.

Matapos nito ay nagkaroon ng picture taking ang lahat ng mga taga Rapu-Rapu para sa kanilang ID ng SAGIP at sila ay tuwang-tuwa.

Hindi na mapigilan ang mga taga Rapu-Rapu kaya lahat ng gustong magsalita sa mike ay nagsalita laban sa Lafayette at pag-express ng kanilang galit.

Dumating ang 60+ na 3rd Year Col. Students ng Daraga Community College mga 6pm kasama ng kanilang guro at nagkaroon na naman ng programa. Liban sa mga students na ito ay regular na nasa kampuhan ang Tau Gamma Phi (TGP) at tumutulong sa mga marshall para sa seguridad ng kampuhan.

Matapos ang hapunan ay film showing ang isinagawa. Umabot sa 300+ katao ang nasa kampuhan sa araw na ito.

Sa loob naman ng kapitolyo ay tuloy-tuloy na nakikipag-ugnayan ang mga lider sa offices ng Gob, Vice Gov. at SPA. Hanggang sa ngayon ay hindi mahagilap si Gov. Joey Salceda para sa makipag-usap sa mamamayan ng Rapu-Rapu samantalang may pormal na letter para sa kanya. Galit na ang mga taga Rapu-Rapu dahil hindi siya nagpapahayag at walang kalinawan kung ano ang kanyang posisyon sa usaping ito.


Blog EntryNOTICE OF STRIKE!Dec 12, '07 9:54 AM
for everyone
NOTICE OF STRIKE

Para sa Mamamayang Bikolano

 

M

 ULA ENERO HANGGANG NOBYEMBRE 18, 2007, 14 BESES NG TUMAAS ANG PRESYO NG MGA PRODUKTONG PETROLYO SA BUONG BANSA. SA PAGTAYA NG GUBYERNO TATAAS PA ITO HANGGANG SA P4.00/LITRO BAGO MATAPOS ANG TAONG ITO. TODO-TODONG BINIGYAN NG KAPANGYARIHAN NG DOWNSTREAM OIL DEREGULATION ACT OF 1998 O R.A. 8479 ANG TATLONG MGA DAMBUHALANG KARTEL SA INDUSTRIYA NG LANGIS, ANG PETRON, PILIPINAS SHELL AT CALTEX PHILIPPINES  NA MAKAPAGPATAAS NG PRESYO SA MGA PRODUKTONG PETROLYO SA HALAGA AT ORAS NA GUSTO NILA.

HIGIT PANG TUMATABO NG LIMPAK-LIMPAK NA TUBO ANG MGA KUMPANYANG ITO DAHIL SA OVERPRICING AT PRICE SHAVING NA ANYO NG PANDARAYA. WALANG GINAGAWA ANG REHIMENG US-MACAPAGAL ARROYO NA PIGILAN ANG LINGGU-LINGGONG PAGTAAS NA ITO BAGKUS NAGKA-KANDARAPA PA ANG MALAKANYANG PARA DEPENSAHAN ANG MGA KUMPANYA NG LANGIS AT MAGBULID NG SARI-SARING KWENTO UPANG GAWING MAKATWIRAN ANG PATULOY NA PAGTAAS NG PRESYO NG MGA PRODUKTONG PETROLYO. SAYANG NGA NAMAN ANG P140 MILYON BAWAT ARAW NA TUTUBUIN NG REHIMEN MULA SA IPINAPATONG NA BUWIS SA MGA PRODUKTONG ITO.

SOBRA-SOBRA NANG PAHIRAP ITO SA MAMAMAYAN! NANANATILING MABABA ANG PASAHOD, MATAAS NA PRESYO NG MGA BILIHIN, MATAAS NA SINGIL SA TUBIG AT KURYENTE AT KAWALANG SERBISYONG PANLIPUNAN HABANG PATULOY SA PAGKAMAL NG KABANG YAMAN ANG IILAN. SA MULI HINAHAMON TAYO NG KALAGAYANG ITO NA MAGKAISA AT IPAGTANGGOL ANG ATING LEHITIMONG KARAPATAN PARA SA ABOT-KAYA AT MASAGANANG PAMUMUHAY!

IPINAPAABOT NG CONDOR-PISTON-BIKOL SA LAHAT NG MGA MANGGAGAWA SA TRANSPORTASYON (BUS, JEEPNEY, TRICYCLE, FILCAB, PEDICAB, SAKSAKYANG PANDAGAT) MGA MANGGAGAWA, MALA-MANGGAGAWA, MAGSASAKA, MANGINGISDA, KAWANI NG PAMAHALAAN, MGA PROPESYUNAL, MGA MAG-AARAL, KABATAAN, KABABAIHAN, TAONG SIMBAHAN, MGA MAKABAYANG NEGOSYANTE AT PULITIKO AT BUONG MAMAMAYANG BIKOLANO NA MAGKAISA TAYO, SUMUPORTA AT IPAGTAGUMPAY ANG ATING PAKIKIBAKA LABAN SA PATULOY NA PAGTAAS NG PRESYO NG MGA PRODUKTONG PETROLYO!
ANYO NG PAGKILOS:     NATIONWIDE TRANSPORT STRIKE
PETSA:
12:01 UMAGA - 12:00 NG HATINGGABI                  
ORAS:
     12:01 UMAGA - 12:00 NG HATINGGABI

ATING MGA KAHILINGAN AT PANAWAGAN

— 

Irolbak ang presyo ng mga produktong petrolyo sa taong 2005!

—  Kagyat na ipawalambisa ang Oil Deregulation Law !

—  Ibalik sa bayan ang pag-aari sa Petron!

—  Tanggalin ang di makatuwirang buwis sa langis!

—  Eksplorasyon at Produksyon ng Langis Isabansa !

—  Wakasan ang Kartel sa Industriya ng Langis sa Bansa !

—  Singilin ang Pahirap na Rehimeng US-Macapagal Arroyo !

 MGA DAPAT NATING GAWIN

”

  SA MGA DRIVER AT OPERATOR, TUMIGIL SA PAGPASADA NG SASAKYAN

”  SA MGA MANGGAGAWA AT KAWANI, HUWAG PUMASOK SA TRABAHO

”  SA MGA MAG-AARAL AT MGA GURO, HUWAG PUMASOK SA PAARALAN

”  SA MGA MARALITANG LUNGSOD LUMABAS  AT KALAMPAGIN ANG MGA WALANG LAMAN NA KALDERO’T PINGGAN

”  TAYONG LAHAT, LUMABAS SA KALSADA, MAGTUNGO SA MGA MASS ACTION CENTERS (MAC) NA MALAPIT SA ATING LUGAR, LUMAHOK AT SUMUPORTA SA GAGAWING PROTESTA



Press Statement                                                                                                                             
December 9, 2007
 
BARANGAY DEFENSE SYSTEM (BDS): STATE GARRISONS IN THE COUNTRYSIDE
On the Occasion of the International Human Rights Day
 
Vibrant life has been lost in the countryside especially in the far-flung barrios in the Province of Sorsogon.  It is no longer a place of KASANGGAYAHAN (place of abundance and peace) but rather state garrisons where military rules the life of the people.  Military posts have been installed in the barangays; the movement of the folks are regulated and made to log their whereabouts in the journal of the post.  People who enter and leave the area are obliged to give their names and their purpose.  Dangerously, the civilians particularly the women (mothers usually bring their siblings in the barrios because they do not have “yayas”) and youth are made to watch the military posts.  There are even measures to regulate the supplies coming in the barrios such as limiting the rice purchase to 5 kilos only, more than that is not allowed and would mean supporting the rebels.  At times, curfew is implemented in the area; hitherto the economic and social life of the people is affected, not disregarding the political straightjacket that tightens the barrio atmosphere.  Members of progressive organizations like Bayan, Bayan Muna, Gabriela, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas are subjected to intensive surveillance and threatened to cease their activism if they hold their lives precious or their loved ones.  Even the traditional civic organizations are asked to disclose their members, the nature of the organization and the source of fund.  Fear and suspicion envelop the once tranquil life of the people. 
 
KILLINGS, HARASSMENT AND TORTURE IN GARRISONS
 
Killing, torture and harassments have become penchants in the state-garrisons.  In the town of Castilla where the infamous anti-communist Mayor Renato Laurenaria then, Barangay Defense System (BDS) has been installed.  To no avail, cases of extra-judicial killings (EJK) increased and number of individuals and families have been harassed and threatened to the point of being accused as members of the New People’s Army (NPA).  To date, there have been 52 cases of extra-judicial killings and 4 victims of enforced disappearances in Sorsogon.  Not one has been put behind bars and impunity continues.
 
It is interesting to cite the chilling effect of this garrison-rule, there was an old man named Delfin Desder (85 years old) died along the way to the military post.  He had a heart attack.  He was summoned by the 2nd IB Philippine Army for tactical interrogation.  In the same place of incident, a man named Domingo Bustamante was mulled by the military during the “tactical interrogation”.
 
These cases prove that heavy militarization kills human rights.  Military arrogance and ignorance breed the unabated rights violations.  Such policy of the Arroyo administration runs contrary to the principles of international human rights wherein every man, women and children have the right to live, move freely and have peaceful life.
 
These “garrisons” are installed in the town of Castilla, Donsol, Magallanes, Irosin and Juban.  It is boasted by the military leaders and the former Mayor of Castilla that “BDS will be implemented in the entire province”.  It has been said that this “policy” is directed by the Office of the President – Malakanyang, according to the military officials in the province.  Yet a copy of such Malakanyang Directive is never made public.
 
There can never be a meaning commemoration of the Declaration of International Human Rights Day in the Province of Sorsogon as long as garrisons dubbed as Barangay Defense System (BDS) is not dismantled and the counter-insurgency program known as Bantay Laya I and II is scrapped. 
 
Reference:
TEODORO ESCANILLA
SPOKESPERSON

Blog EntryDEFEND LIFE, UPHOLD HUMAN RIGHTSDec 9, '07 5:26 PM
for everyone

(Statement On the Occasion of the 59th Declaration of International Human Rights Day)

 


Life is the most precious gift that man has ever received from God.  Man shares in the grace of the Divine Life and man’s image is created according to its Creator.  Such likeness magnifies God’s goodness to man and no one has a right to put a sunder.  This pristine dignity is inalienable to man.  This is the HUMAN RIGHTS. 

In times of peace and war, the dignity of human life must be promoted, defended and upheld against the forces that seek to destroy it.  No political leader, government or group has any right to violate human rights, be it by breach or omission.  Political killings and enforced disappearances have no place in a society governed by God, reason, and law.  Such acts manifest the moral decay of a society that is consumed by greed.  Man’s insatiable appetite for power and wealth unleashes the dark cons of man and will do anything for political survival. 

International bodies, protocols and instrumentalities are created to ensure that these rights are guaranteed and protected.  Countries like Philippines that signed the International Declaration of Human Rights must observe and implement in their governance and policies the measures necessary to safeguard the rights of the people.  This is a non-negotiable and non-bending truth of democracy.

In the spirit of the commemoration of the Declaration of International Human Rights, I challenge all the political groups (CPP-NPA-NDF and GRP-AFP/PNP) of this country to observe at all times the INTERNATIONAL HUMANITARIAN LAW AND HUMAN RIGHTS.  There is a definite difference between combatants and non-combatants.  The rule of law must triumph. 

I condemn the perpetrators of extra-judicial killings (EJK) for they treacherously destroy life, families and society.  The cycle of impunity must end.  Justice must be restored and must strike the sensitivity of every man.

I reiterate the responsibility and culpability of the national government and its armed institutions in the promotion and defense of human rights.  It is the duty of the state to ensure and safeguard human rights.  It is noteworthy to re-evaluate the counter-insurgency program dubbed as Oplan Bantay Laya I and II as reflected in the final report of Special Rapporteur on extrajudicial, summary or arbitrary executions, Prof. Philip Alston.

I enjoin all the faithful to pray for the victims of human rights violations in the country.  May the course of justice find its way and the grace of God empowers us to work for justice and human rights so that peace may reign in this land.

In Christ,

MOST REV. ARTURO M. BASTES, SVD, DD

BISHOP OF SORSOGON


Blog EntryLegazpi bishop blames Lafayette for fishkillDec 9, '07 4:38 PM
for everyone

By Florencio P. Narito
Posted from www.bicolmail.com

LEGAZPI CITY -– Msgr. Lucilo Quiambao, acting bishop of Legazpi, has called for the closure of Lafayette Philippines, Inc. (LPI) for allegedly causing the Oct. 28, 2007 fishkill in the island municipality of Rapu-rapu, Albay.

        In a radio interview Wednesday followed by a Pastoral letter, Quimbao said there were no fishkills in the waters of Rapu-rapu before the establishment of the Australian mining firm.

        He laughed off reports allegedly coming from government sources that the fish had died because of drowning.

        “Dr. Luis Mendoza, Albay Provincial Health Officer, is willing to testify that three children had been hospitalized in Rapu-rapu after eating shellfish believed to have been contaminated with poisonous chemicals from Lafayette,” the bishop said.

        Quiambao quoted Dr. Ermelina Regis of the Ateneo de Naga University, an alleged expert on mining, as saying that “if the rocks and soil are disturbed, the acid will flow into the sea and kill the fish.”

        “Mining is second to machineries and factories as pollutants that affect the ozone layer,” Quimbao said.

        “The government should honestly accept the reality in Rapu-rapu and that the truth should come out,” he added.

        Independent-minded residents here, however, said that the good bishop and his anti-mine groups had already made their conclusions even before the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) has come out with its findings on what really caused the fishkill.

        In a telephone interview with this reporter, Dr. Mendoza denied having linked Lafayette to the hospitalization of the three children in Rapu-rapu.

        “Bishop Quiambao must have misquoted me because what I actually said was that the three children had been hospitalized after eating shellfish but I did not say that the shellfish was contaminated with poisonous chemical from Lafayette,” Dr. Mendoza said.

        Reacting to the statements and pastoral letter of Bishop Quiambao, Atty. Bayani Agabin, LPI spokesman, said: “To settle the matter once and for all and to stop the anti-mining groups form using the Church, we have invited the good bishop and his panel of experts and even the anti-mining groups and the media to visit Rapu-Rapu and the mining site of Lafayette. We have nothing to hide.”

        Agabin said that according to government authorities and experts as well as barangay officials there was no fishkill as the project was too far away from the Poblacion where the alleged fishkill was found.

        “Barangay Pagcolbon, where we are, certified that there was no fishkill,” Agabin said.

        Unfortunately, however, the anti-mining groups did not accept the invitation of Lafayette.#

UPDATES # 03 <12/7/2007)

Umaani ng suporta ang Kampong Bayan mula sa mamamayan ng Albay at ng iba pang probinsya ng Bikol. Sa araw na ito ay maraming pumunta ngunit ang matingkad ay palagiang pagbisita ni Bishop Quiambao at Fr. Rex Arjona at ang Redemptorist Community sa pangunguna nina Fr. Bryan Espejo at Fr. Ol Ang mga sumusunod ay ang nagpunta at nakiisa sa Kampong Bayan:

        Ø      150+ istudyante ng Aquinas University kasama ang kamilang mga professors
Ø      University Student Council ng Bicol University
Ø      Taong simbahan
Ø      Board Member Borja
Ø      Mga kasapi ng KMU, GABRIELA, KARAPATAN, LFS, ANAKBAYAN, DYG (Dramatic Youth Group), SARA (Engr. Perdigon & Co.)
Ø      mga indibidwal na mga propesyonal at manggagawa ng gobyerno
Ø      mga walk-in na mga nakikiisa (may nagmula pa nga sa Baguio)

Ang nakatakdang programa sa umaga sa araw na ito ay hindi muna itinuloy (piket sa MGB) dahil ito ang itinakdang public hearing ng SPA.

Ang nangyari sa public hearing ay ang pagmaniobra, panloloko at hindi paggalang ni Aytona sa pinagkaisahan ng Sangguniang Panlalawigan sa regular na sesyon nito noong Disyembre 5 na agarang maglunsad ng public hearing (Disyembre 7) ang Committee on Environment at dapat kasama ang mga mamamayan ng Rapu-Rapu sa pangunguna ng SAGIP ISLA – SAGIP KAPWA at UMALPAS KA – Bikol. Hindi pinaupo ni Aytona sa public hearing ang mamamayan ng Rapu-Rapu sa pangunguna ng SAGIP ISLA – SAGIP KAPWA at UMALPAS KA – Bikol at ang mga kinatawan lang ng Lafayette, DENR/EMB, BFAR, 2 kagawad ng Rapu-Rapu na pro-Lafayette at 4 na kapitan ng barangay na 3 dito ay talagang tuta ng Lafayette ang pinaupo samantalang kaisahan ito sa sesyon ng SPA noong Disyembre 5 kung saan si Aytona ay ”intentional” na hindi dumalo dahil dumating ang mga mamamayan ng Rapu-Rapu sa kapitolyo.

Wala ring nagawa si BM Erwin Baldo samantalang siya ang Vice-Chairman ng komite. Gayundin si BM Harold Imperial nang ito ay makita at kinausap ng mga taga Rapu-Rapu.

Sa ganitong pangyayari, ipinahayag ng mamamayan ng Rapu-Rapu, SAGIP ISLA – SAGIP KAPWA at UMALPAS KA – Bikol na anuman ang maging resulta ng nasabing public hearing (na tigurian pa ni Aytona na committee hearing) ay hindi kikilalanin at igagalang ng mga taga Rapu-Rapu dahil ito ay bogus at wala sila doon na tunay na nagrerepresenta ng mga apektado at biktima ng mapaminsalang dayuhang pagmimina ng Lafayette. At itinakda rin ni Aytona na ang pag-usapan lang ay ang usapin ng fishkill salungat sa pinagkaisahan sa SPA session noong Dec. 5 na isyu ng pagmimina ng Lafayette ang dapat pag-usapan. Ito ay nalaman na lang nang ang Barangay Kapitan ng Binosawan na si Manay Nida ay nag-ulat sa mga taga Rapu-Rapu matapos ang hearing. Dagdag pa dito, wala man raw kakwenta-kwenta ang naging pag-uusap dahil wala namang pagbabago sa dati ng sinasabi ng Lafayette at mga ahensya ng DENR/EMB, BFAR at 2 kagawad ng Rapu-Rapu ang dahilan ng fish kill at inamin pa ng BFAR na ang dati nilang ipinahayag na dahilan ng fish kill ay hindi pa opisyal dahil sila ay nag-iimbestiga pa hanggang sa ngayon.

Ang ginawa naman ng mga mamamayan ng Rapu-Rapu dahil sa galit sa pagmamaniobra, panloloko at pagbastos sa kanila ni Aytona ay tuloy-tuloy na nagprograma sa harapan ng kapitolyo. Hindi napigilan ng mga tagapagsalita ng ibat ibang barangay ng Rapu-Rapu ang pagpapahayag ng galit at pagkondena kay Aytona at sa ilan pang kinatawan ng SPA. Matingkad dito ang pahayag ng isang kabataan mula sa Rapu-Rapu (Jennylyn – ang Vice Pres. ng LAYAG, ang cultural group na nabuo dahil sa Lafayette) na kung saan sinabi niya na mag-iisang linggo na silang lumiliban sa pagpasok para lamang makiisa sa kanilang mga magulang at mamamayan ng Rapu-rapu sa Kampong Bayan at sa laban sa Lafayette ngunit ano raw ang pinakita at pagtrato ng halal na opisyal sa kanila – Panloloko at Pambabastos. Sinabi rin niya na kaya sila nakikiisa dahil sila ay kasama sa dinaranas na kahirapan at kagutuman sa epekto at pinsala ng Lafayette at ano pa raw ang maiiwan sa kanila kapag nasira ng tuluyan ang kanilang isla.

Sa hapon hanggang gabi itinuloy-tuloy na ang mga nakatakdang programa at mga activities sa camp site at ito ang mga sumusunod:


Ø      solidarity messages – Aquinas University (2 student leaders) at lahat ng
     pumunta na nasa itaas

Ø    pagtalakay sa pambansang kalagayan – Tesa Lopez, Public Information          Officer – BAYAN-Bikol
Ø      pagtalakay sa isyu ng Oil Price Hike (OPH) – Gerald, Chairman ng KMU-Bikol
Ø      pagtalakay sa usapin ng pagmimina – Karpo Baraquel, Ingat-Yaman ng KMP-Bikol at
Ø      group discussion at integration sa mga taga Rapu-rapu ng mga nakikiisa
Ø      pagpapatugtog ng mga progresibo at maka-kalikasang awitin

Gayung masamang-masama at galit na galit ang mga taga Rapu-Rapu nang umagang ito ay nananatili ang mataas na moral nila at bagkus ay lalo itong nagtulak sa kanila para labanan ang Lafayette at itakwil ang sinumang opisyal ng gobyerno na taksil sa kanila at maka-dayuhan lalo na pa’t nakikita at nararamdaman nila ang suporta ng malawak na mamamayan.


UPDATES # 02 December 6, 2007

Lalong umaani ng suporta ang Kampanya laban sa mapaminsalang dayuhang pagmimina ng Lafayette. Maraming tao ang pumupunta sa Kampong Bayan na nakikiisa at o nagiging interesado sa pag-alam ng tunay na kalagayan ng mamamayan ng Rapu-Rapu.

Pangunahin dito ay ang hayagang pagsuporta ng halos lahat ng mga pari ng Dioceses ng Legazpi at Sorsogon at iba’t ibang kongresasyon nito. Gayundin, ang ilang taong simbahan mula sa Diocese ng Caceres ay sumusuporta sa kampanya. Nagpahayag sila ng pagbisita mismo sa kampuhan pana-panahon liban pa sa pagbigay ng mga suportang pagkain ng mga tao. Ngayong araw na ito ay darating sa kampuhan si Rev. Fr. Ricardo B. Barquez, Jr. ng St. Lawrence the Martyr Parish sa Tiwi, Albay. Ang iba naman ay inaasahan ngayong weekend. Ang Redemptorist Community naman ay full support maging sa laging pagpunta sa kampuhan at suportang materyal at paggamit ng kanilang lugar gayundin sina Fr. Rex Arjona ang Chancellor-Secretary ng Diocese of Legazpi.

Ang mga estudyante at guro naman mula sa Bicol University (BU) at Aquinas University ay tuloy-tuloy na pumupunta at nakikisalamuha at nakikipagtalakayan sa mga taga Rapu-Rapu. At ang iba pa ay galing sa iba’t ibang organisasyon ng magsasaka at mangingisda sa probinsya ng Albay sa pamumuno ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP-Bikol) at LAMBAT – Bikol. Sila ay may sarili na ring itindig na tent sa kampuhan. Pumunta rin ang mga manggagawa ng gobyerno at mga manggagawa ng Liberty Commercial Center (LCC). Ang mga mangagawa sa capitol ay tuwang-tuwang sa polyetong ipinamamahagi lalo na sa isyu ng pagpapatalsik kay Aytona.

Tuloy-tuloy ang programa sa kampuhan at kahapon (dec. 6) ay nagkaroon ng mga sectoral orientation (magsasaka at mangingisda) na ibinigay ni Felix Paz (tagapangulo ng KMP-Bikol), group discussion at pagpapatugtog ng mga kantang pangkalikasan.

Nagpahayag ang isang lola (Mely) ng Barangay Viga na namatayan ng apo noong Nob. 21 habang siya ay umiiyak. Sinabi niya na namatay ang kanyang apo (7 years old) dahil sa kagutuman. At ang kagutumang ito ay dahil wala silang napagkakakitaan at napagkukunan ng pagkain dahil sa epekto ng pagmimina ng Lafayette. Hindi na sila nakakain ng sapat partikular ng isda na karaniwan nilang ulam.

Lalong tumataas ang moral ng mga taga Rapu-Rapu dahil sa inaaning suporta nila laban sa Lafayette. Partikular ang mga bata at kabataan na nakapagbuo ng grupong kultural dahil sa isyu ng Lafayette na tinatawag na nilang “LAYAG” ay nanatili sa kampuhan kahit sila ay lumiban sa kanilang klase. Alam nila na mahalaga ang bahagi nila sa Kampong Bayan dahil kinabukasan nila ang nakataya sa labang ito.

Ngayong araw na ito (dec. 7) ang nakatakdang cte. Meeting ng Environment ng SP kung saan dadalo ang mga taga Rapu-Rapu. Ang pagtawag na ito ng kagyatang meeting ay ibinunsod ng kampuhan at para sa taga Rapu-Rapu ito ay isang tagumpay. Inaasahang dadalo si BM Celso Aytona na hayagan na ngang pinapatalsik ng mga taga Rapu-rapu sa SP dahil sa pagkatuta nito sa Lafayette. Ito pala si Aytona ay ang nagsusuplay ng isda sa Lafayette.


UPDATE #01 (12/05/2007)

Kampong Bayan Laban sa Pagmimina ng Lafayette sa Rapu-Rapu, Albay

Peñaranda Park, tapat ng Albay Capitol, Legazpi City

Umabot sa 700+ katao ang sumama sa Kampong Bayan. Ang komposisyon ay ang mga sumusunod:

      -         mamamayan ng Rapu-Rapu, Albay
-         delegasyon mula sa Sorsogon
-         mga taong simbahan tulad ng Redemptorist Community, RGS
-         delegasyon ng mga sectoral, multisectoral organization (BAYAN-Bikol), KARAPATAN-Bikol (magsasaka, manggagawa at kabataan)
-         delegasyon mula sa Aquinas University
-         propesyunal at delegasyon ng ilang insti/NGO

Pumunta rin si Bishop Lucilo B. Quiambao (Auxiliary Bishop of the Diocese of Legazpi) at nagpahayag ng pakikiisa kahit umuulan kasama si Fr. Rex Paul Arjona ang Chancellor Secretary.

 

Dumating ang mga mamamayan ng Rapu-Rapu sa pier ng 8-8:30am at sila ay sinalubong ng delegasyon mula sa mainland. Nag-umpisa ang martsa ng 9:30am mula sa pier patungong Albay Capitol. Nagulat ang mga tao sa pier at maraming tao ang talagang tumigil at nanood sa buong duration ng martsa mula Legazpi City hanggang Albay Capitol.

 

Nagkaroon ng programa mula 11am hanggang 2pm sa harapan ng kapitolyo. Nagsalita lahat ng representative mula sa 10 barangay ng Rapu-Rapu ( Poblacion, Carogcog, Sta. Barbara, Binosawan, Linao, Tinupan, Viga, Buenavista, Morocborocan at Mananao). Maraming tao ang nakinig at nanood ng programa kasama na dito ang mga empleyado ng kapitolyo at city government. Sa hapon ay tuloy-tuloy lang ang pagpapatugtog ng mga proresibong kanta.

 

Dahil malakas ang ulan ay hindi na natuloy ang iba pang planong aktibidad hanggang gabi dahil hanggang ngayon ay napakalakas pa ng ulan.

 

May pumasok na 20 delegasyon sa loob ng session hall ng Sangguniang Panlalawigan habang may sesyon at nagsilent protest, iniladlad ang mga poster laban sa Lafayette. Nang pumasok ang mga taga Rapu-Rapu ay nagulat ang mga Board Members (BM) at nagreliquish si Vice Gov Brando Sael sa pagiging presiding officer at nagpahayag uli ng kanyang anti-Lafayette position at agad na nagrecommend si BM Roi Borejon  na dapat kagyat na pag-usapan na ang isyu ng Lafayette at nagpropose naman si BM Herbert Borja ng Committee Hearing ng Environment at Health. Ito ay magaganap sa Dec 7 (Friday) kung saan dadalo at magsasalita ang mga taga Rapu-Rapu.

 

Gayundin, binigyan ng pagkakataon na makapagsalita ang spokesperson ng UMALPAS KA – Bikol na si Arieto Radores.

 

Ang maka-Lafayette na BM na si Celso Aytona ay absent at ang pagtingin ay natakot sa dami ng mamamayan ng Rapu-Rapu na galit na galit sa kanya. Ang mga bata at kabataan ng Rapu-Rapu ay sumisigaw ng: Aytona isilid sa lata isama si Gloria!

Maraming media ang nasa Kampong Bayan at 2 sa taong simbahan ang na-interview ( Sr. Leah Ann Espinas ng RGS at si Fr. Jerry Llona (Asst. Parish Priest ng Sta. Florentina Parish ng Rapu-Rapu) liban pa sa mga lider ng mga organisasyon at mamamayan ng Rapu-Rapu.

Matapos ang isang araw ay mataas ang moral ng mamamayan ng Rapu-Rapu dahil sa naging resulta ng unang araw ng Kampong Bayan. Gayung inabot ng basa at gutom dahil sa malakas na ulan at ilang problemang teknikal ay sinasabi nilang ito ay bahagi ng sakripisyo. Nagpalakas rin sa kanilang paninindigan ang mainit na pagtanggap ng mamamayan ng Legazpi at Albay sa mga taga Rapu-Rapu at nakita nila ang suporta ng mga iba’t ibang grupo lalo na ang mga taong simbahan partikular si Bishop Quiambao.

Kaugnay nito, ang Diocese of Legazpi ay naglabas ng Pastoral Bulletin noong Nov. 20, 2007 titled: ON THE MOST RECENT FISH KILL IN RAPU-RAPU at may signature campaign for the closure of the Lafayette mine.

Ang Diocese of Sorsogon ay naglabas na rin ng Pastoral Letter ngayong week lang the same title and call at may signature campaign rin at ang mga unang pumirma ay ang mga parish priest ng buong diocese.

Gayundin, ang City Government ng Sorsogon City ay may planong independent investigation din kaugnay sa fish kill at ito ay iko-coordinate sa SAGIP ISLA. Ang SP naman, ay isasalang sa sesyon nila ngayong Dec 7 (Friday) ang kaugnay sa Lafayette at ang tulong para sa mamamayan ng Rapu-Rapu.

Sa ngayon ay nagrerequest na rin ang ibang mga bayan at probinsya lalo na ang mga Catholic schools at institution, ilang mga elected officials sa ibang probinsya ng Bikol na magkaroon ng massive information dissemination kaugnay sa mapaminsala at dayuhang pagmimina partikular ang isyu ng Lafayette.


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help