Blog EntryUpdates 4&5 Kampuhan Laban sa LafayetteDec 12, '07 11:21 AM
for everyone

UPDATE # 04 (12/12/2007)

Kampong Bayan Laban sa Pagmimina ng Lafayette sa Rapu-Rapu, Albay

Peñaranda Park, tapat ng Albay Capitol, Legazpi City

Sa kabila ng araw-araw na pag-ulan, nanatili ang Kampong Bayan at tuloy-tuloy na programa ang isinasagawa sa kampuhan. Nanatili at tuloy-tuloy rin ang pagbuhos ng suporta ng mamamayan laban ng mamamayan ng Rapu-Rapu laban sa Lafayette sa pamamagitan ng pagpapadala at pagpapahayag ng mensahe ng pakikiisa, pagdalaw sa kampuhan, pagbibigay ng suportang materyal at paglulunsad (ang iba ay nasa antas plano) ng mga activities tulad ng signature campaign, forum, konsyerto kaugnay sa pagmimina at kalikasan ng iba’t ibang organisasyon, institusyon, schools, religious groups (tinatalakay sa homily) sa buong rehiyon at maging sa antas nasyunal.

Noong Dec. 8 isang araw matapos na ipagtabuyan, lokohin at maniobrahin ni Aytona ang mamamayan ng Rapu-Rapu, nakatulong sa pagpapalakas loob ang pagdaos ng misa sa kampuhan (am) ni Fr. Rex Arjona – ang Chancellor Secretary ng Diocese ng Legazpi. Matapos ang misa, nadagdagan na naman ang lakas ng loob, tapang at sigla ang mamamayan ng Rapu-Rapu. Sa araw ring ito, bumisita naman si Vice Mayor kasama ang kanyang pamilya.

Nailunsad din ang pagtalakay sa Kalagayan ng Kabataan at Oryentasyon ng Anakbayan.

Noong Dec. 9 (Linggo) ng umaga ay nagdaos muli ng Misang Bayan sa umaga si Fr. Rex at may kasama pang mga parishioners niya.

Sa hapon naman ay nagkaroon ng talakayan kaugnay ng Kalagayan ng Kababaihan na pinangunahan ni Ms. Jenelyn Nagrampa – Sec. Gen. ng Bicolana Gabriela at Kalagayan ng Karapatang Pantao sa Bikol sa pangunguna naman ni Mr. John Concepcion – Spokeperson ng KARAPATAN – Bikol.

Sa gabi ay ang integrasyon naman ng Urban Poor at mga manggagawa kasabay nito ang talakayan sa Kalagayan ng Urban Poor at Kasaysayan at Kasalukuyang Kalagayan ng Kilusang Manggagawa. Matapos nito ay film showing na naganap at syempre pa kainan ng meryenda sa gabi dahil may dalang sopas ang mga nasabing organisasyon.

Masaya ang gabing iyon dahil nakikita at nararamdaman ng mamamayan ng Rapu-Rapu ang pakikiisa ng iba’t ibang sector, pagpapaabot ng mga solidarity messages at kapag natatalakay sa gabi ang mga press releases at araw-araw ng mga pahayag kaugnay sa kampuhan at sa laban sa Lafayette.

Kahapon, Dec. 10 – ay ang Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao. Ang pagdiriwang at paggunita ng mahalagang araw na ito ay sabay-sabay na isinagawa sa 6 na probinsya ng Bikol. Sa Albay, ito ay idinaos sa mismong kampuhan ng mga mamamayan ng Rapu-Rapu sa harap ng kapitolyo ng Albay. Sa kabuuang Bikol ay umabot sa humigit kumulang na 19,000 katao ang dumalo. Partikular sa Albay, ito ay nilahukan ng umabot 3,000 katao.

Ito ay pinangunahan ng BAYAN – Bikol at KARAPATAN – Bikol kasama ang lahat ng mga sektoral na organisasyon tulad ng KMP-Bikol, LAMBAT-Bikol, ADLO/KMU, BICOLANA-GABRIELA, ANAKBAYAN, LFS, PCPR at mga progresibong Party Lists tulad ng AP, BM, Gabriela, Kabataan. Kasama rin ang mga alyansa tulad ng UMALPAS KA – Bikol at SARA at  iba’t ibang institusyon, grupo at mga indibidwal. Partikular sa taong simbahan, kasama rito ang buong RGS at Redemptorist Community. Sa araw ring ito ay nagpresent ang LAYAG (ang nabuong cultural group ng mga kabataan ng Rapu-Rapu) kung saan sa presentasyon ay ipanapakita ang tunay na kalagayan ng isla ng Rapu-Rapu at mamamayan nito at ang ginagawang pagkilos at paglaban sa Lafayette.

Akmang-akma ang pagunita at pagdaraos nito sa mismong lugar ng Kampong Bayan dahil malinaw na malinaw na gayung mayroong internasyunal na deklarasyon sa paggalang sa karapatang pantao, ang nangyayari sa Rapu-Rapu ay malinaw na paglabag sa lahat at buong karapatan ng mamamayan sa buhay at kabuhayan. Inaalisan sila ng kabuhayan, nanganganib ang kanilang buhay at aalisan sila ng tirahan.

Ang nangyayaring extra judicial killings sa rehiyon ng Bikol ay pagpapatunay ng paglabag sa karapatang pantao at kung saan ang mayorya ng mga biktima ay mga lider at kasapi ng mga organisasyong kritikal sa pamahalaan at may mga pakikibaka kaugnay sa lupa at sa iba pang isyung nakakaapekto sa buhay at kabuhayan.

Sa panahon ng operasyon ng Lafayette marami nang mga kaso at insidente ng tahasang paglabag sa karapatang pantao sa mga mamamayan ng Rapu-Rapu lalo na ang mga tumututol dito. Inaasahang ito ay lalala pa sa pag-igting ng laban at pakikibaka ng mamamayan laban sa pagpapasara at pagpapalayas sa Lafayette. Sa pinakahuli ay ang pagaresto kina Antonio Cacitas (SAGIP Head Servant) at Stephen (volunteer documentor ng UMALPAS KA – Bikol at staff ng Bikol Xpress). Sila ay ikinulong ng mga 1 oras dahil sa isinagawa nilang rally sa tapat ng munisipyo.

Lahat ng mga nagging tagapagsalita sa Araw ng Pandaigdigan ng Karapatang Pantao ay ikinakabit ang usapin ng pagmimina ng Lafayette at ang Mining Act of 1995 at ang epekto nito sa isla at mamamayan ng Rapu-rapu.

Lalong tumaas ang moral ng mga taga Rapu-Rapu matapos ang rali dahil sa nakita nilang pakikiisa ng iba’t ibang sectoral organizations, taong simbahan, iba’t iba grupo at institusyon at indibidwal. 

UPDATE # 05 (12/12/2007)

Kampong Bayan Laban sa Pagmimina ng Lafayette sa Rapu-Rapu, Albay

Peñaranda Park, tapat ng Albay Capitol, Legazpi City

Dalawang piket ang isinagawa sa araw na ito:

  1. DENR – nagsalita ang 5 lider mula sa SAGIP ISLA, habang nagmartsa mula  Aquinas University patungong DENR ay nag-OP ang mga kabataan ng SAGIP ISLA ng mga panawagan laban sa Lafayette at pagmimina
    • wala man lang reaksyon ang DENR
  2. MGB – sa buong panahon ng piket ditto ay nagtatanawan ang mga empleyado nito
    • naging madamdamin na ang mga tagapagsalita mula sa Rapu-Rapu at umiyak pa ang isang lola na namatayan ng apo dahil sa kagutumang nararanasan sa Rapu-Rapu dahil sa Lafayette
    • ang mga piket na ito ay nacover ng ABS-CBN at nailabas sa TV Patrol Bicol nang araw ding ito

Nagtuloy-tuloy ang programa sa kampuhan at nang tanghali ay muling binasa ang mga pahayag na nailalabas sa buong panahon ng Kampong Bayan.

2pm ay naglunsad ng pag-aaral, ang Batayang Oryentasyon sa Kalikasan na ibinigay ng Farmers Assistance for Resource Management Education and Rehabilitation (FARMER), Incorporated. Umabot sa 44 ang participants at iba naman ay nakikinig din kahit mayroong ibang ginagawa sa kampuhan.

Matapos nito ay nagkaroon ng picture taking ang lahat ng mga taga Rapu-Rapu para sa kanilang ID ng SAGIP at sila ay tuwang-tuwa.

Hindi na mapigilan ang mga taga Rapu-Rapu kaya lahat ng gustong magsalita sa mike ay nagsalita laban sa Lafayette at pag-express ng kanilang galit.

Dumating ang 60+ na 3rd Year Col. Students ng Daraga Community College mga 6pm kasama ng kanilang guro at nagkaroon na naman ng programa. Liban sa mga students na ito ay regular na nasa kampuhan ang Tau Gamma Phi (TGP) at tumutulong sa mga marshall para sa seguridad ng kampuhan.

Matapos ang hapunan ay film showing ang isinagawa. Umabot sa 300+ katao ang nasa kampuhan sa araw na ito.

Sa loob naman ng kapitolyo ay tuloy-tuloy na nakikipag-ugnayan ang mga lider sa offices ng Gob, Vice Gov. at SPA. Hanggang sa ngayon ay hindi mahagilap si Gov. Joey Salceda para sa makipag-usap sa mamamayan ng Rapu-Rapu samantalang may pormal na letter para sa kanya. Galit na ang mga taga Rapu-Rapu dahil hindi siya nagpapahayag at walang kalinawan kung ano ang kanyang posisyon sa usaping ito.


Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help