UPDATE #01 (12/05/2007)
Kampong Bayan Laban sa Pagmimina ng Lafayette sa Rapu-Rapu, Albay
Peñaranda Park, tapat ng Albay Capitol, Legazpi City
Umabot sa 700+ katao ang sumama sa Kampong Bayan. Ang komposisyon ay ang mga sumusunod: - mamamayan ng Rapu-Rapu, Albay
- delegasyon mula sa Sorsogon
- mga taong simbahan tulad ng Redemptorist Community, RGS
- delegasyon ng mga sectoral, multisectoral organization (BAYAN-Bikol), KARAPATAN-Bikol (magsasaka, manggagawa at kabataan)
- delegasyon mula sa Aquinas University
- propesyunal at delegasyon ng ilang insti/NGO
Pumunta rin si Bishop Lucilo B. Quiambao (Auxiliary Bishop of the Diocese of Legazpi) at nagpahayag ng pakikiisa kahit umuulan kasama si Fr. Rex Paul Arjona ang Chancellor Secretary.
Dumating ang mga mamamayan ng Rapu-Rapu sa pier ng 8-8:30am at sila ay sinalubong ng delegasyon mula sa mainland. Nag-umpisa ang martsa ng 9:30am mula sa pier patungong Albay Capitol. Nagulat ang mga tao sa pier at maraming tao ang talagang tumigil at nanood sa buong duration ng martsa mula Legazpi City hanggang Albay Capitol.
Nagkaroon ng programa mula 11am hanggang 2pm sa harapan ng kapitolyo. Nagsalita lahat ng representative mula sa 10 barangay ng Rapu-Rapu ( Poblacion, Carogcog, Sta. Barbara, Binosawan, Linao, Tinupan, Viga, Buenavista, Morocborocan at Mananao). Maraming tao ang nakinig at nanood ng programa kasama na dito ang mga empleyado ng kapitolyo at city government. Sa hapon ay tuloy-tuloy lang ang pagpapatugtog ng mga proresibong kanta.
Dahil malakas ang ulan ay hindi na natuloy ang iba pang planong aktibidad hanggang gabi dahil hanggang ngayon ay napakalakas pa ng ulan.
May pumasok na 20 delegasyon sa loob ng session hall ng Sangguniang Panlalawigan habang may sesyon at nagsilent protest, iniladlad ang mga poster laban sa Lafayette. Nang pumasok ang mga taga Rapu-Rapu ay nagulat ang mga Board Members (BM) at nagreliquish si Vice Gov Brando Sael sa pagiging presiding officer at nagpahayag uli ng kanyang anti-Lafayette position at agad na nagrecommend si BM Roi Borejon na dapat kagyat na pag-usapan na ang isyu ng Lafayette at nagpropose naman si BM Herbert Borja ng Committee Hearing ng Environment at Health. Ito ay magaganap sa Dec 7 (Friday) kung saan dadalo at magsasalita ang mga taga Rapu-Rapu.
Gayundin, binigyan ng pagkakataon na makapagsalita ang spokesperson ng UMALPAS KA – Bikol na si Arieto Radores.
Ang maka-Lafayette na BM na si Celso Aytona ay absent at ang pagtingin ay natakot sa dami ng mamamayan ng Rapu-Rapu na galit na galit sa kanya. Ang mga bata at kabataan ng Rapu-Rapu ay sumisigaw ng: Aytona isilid sa lata isama si Gloria!
Maraming media ang nasa Kampong Bayan at 2 sa taong simbahan ang na-interview ( Sr. Leah Ann Espinas ng RGS at si Fr. Jerry Llona (Asst. Parish Priest ng Sta. Florentina Parish ng Rapu-Rapu) liban pa sa mga lider ng mga organisasyon at mamamayan ng Rapu-Rapu.
Matapos ang isang araw ay mataas ang moral ng mamamayan ng Rapu-Rapu dahil sa naging resulta ng unang araw ng Kampong Bayan. Gayung inabot ng basa at gutom dahil sa malakas na ulan at ilang problemang teknikal ay sinasabi nilang ito ay bahagi ng sakripisyo. Nagpalakas rin sa kanilang paninindigan ang mainit na pagtanggap ng mamamayan ng Legazpi at Albay sa mga taga Rapu-Rapu at nakita nila ang suporta ng mga iba’t ibang grupo lalo na ang mga taong simbahan partikular si Bishop Quiambao.
Kaugnay nito, ang Diocese of Legazpi ay naglabas ng Pastoral Bulletin noong Nov. 20, 2007 titled: ON THE MOST RECENT FISH KILL IN RAPU-RAPU at may signature campaign for the closure of the Lafayette mine.
Ang Diocese of Sorsogon ay naglabas na rin ng Pastoral Letter ngayong week lang the same title and call at may signature campaign rin at ang mga unang pumirma ay ang mga parish priest ng buong diocese.
Gayundin, ang City Government ng Sorsogon City ay may planong independent investigation din kaugnay sa fish kill at ito ay iko-coordinate sa SAGIP ISLA. Ang SP naman, ay isasalang sa sesyon nila ngayong Dec 7 (Friday) ang kaugnay sa Lafayette at ang tulong para sa mamamayan ng Rapu-Rapu.
Sa ngayon ay nagrerequest na rin ang ibang mga bayan at probinsya lalo na ang mga Catholic schools at institution, ilang mga elected officials sa ibang probinsya ng Bikol na magkaroon ng massive information dissemination kaugnay sa mapaminsala at dayuhang pagmimina partikular ang isyu ng Lafayette.