Bayan's posts with tag: economics

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag economics

BULADAS NI GLORIA, PASANIN NG MASA! PATALSIKIN NA!

 

“Anumang pambobola, hindi na uubra. Hindi na maitatago pa ang kumakalam na sikmura, butas na bulsa at kawalang hanapbuhay ng mamamayang Pilipino sa loob ng walong (8) taong pananatili ng kapit-tuko at pekeng pangulong si GMA”.

 

Sa kabila ng sumasambulat na krisis pang-ekonomiya at pampulitika, muli na namang maglulubid ng kasinungalingan at pambobola si Gloria Macapagal-Arroyo ngayong Hulyo 28. Ang kanyang ika-8 State of the Nation Address (SONA). Katulad ng mga naunang SONA, asahang ipagyayabang niya na diumanoy napakaganda ng kalagayan ng ating bansa.

 

Ang pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) noong nakaraang buwan na nagsasabing si GMA ang “most unpopular President” at hindi pinagkakatiwalaang Pangulo sa kasaysayan ng bansa matapos ang martial law ay nagpapatunay sa kasinungalingan ng Malakanyang sa pagsasabing ramdam ng taumbayan ang pag-asenso.

 

Presyo ng langis, kuryente at pangunahing bilihin, TUMAAS!

  • Dahil sa Oil Deregulation Law at kainutilan ng administrasyong Arroyo na pigilan ang mga dambuhala at ganid sa tubong kumpanya ng langis, linguhan ang pagtaas ng presyo nito na umabot na sa P1.00 hanggang P1.50. Simula Enero 2008 hanggang huling lingo ng Hulyo, 19 ulit ng tumaas ang presyo ng produktong petrolyo. Ang diesel ay P55.80/litro, P63.50/litro sa gasoline. Bingi ang pamahalaan sa lumalakas na panawagang ibasura ang Value Added Tax o VAT.

 

  • Umabot na sa P37-45 ang presyo ng commercial rice sa mga palengke ngayon sa Kabikolan. Pinalala pa ito ng ihinto ang pagbebenta ng P18.25 NFA rice sa pamilihan na siyang tanging kayang bilhin ng karamihan. Walang tulong at programang ibinibigay ang gobyerno sa mga magsasaka para sa pagpapataas ng lokal na produksyon ng palay habang pinag-iibayo ang pag-aangkat ng mga ito sa Vietnam at Thailand.  

                  

  • Pumalo na sa 11.4% ang tantos ng implasyon noong buwan ng Hunyo. Pinakamataas sa loob ng 9 na taon. Tumaas ng 14% ang presyo ng pagkain nang tumaas ng 31.7% ang presyo ng bigas at 21.7% naman ang mais.

 

  • Ang hindi dumaan sa malawakang konsultasyon na pag-take over ng NAPOCOR sa ALECO noong July 17, 2008 ay mas magreresulta sa mataas na singil sa kuryente at tuluyang pagsasapribado ng kooperatiba. Ito ay bilang pagsunod sa programang pribatisasyon ni GMA sa sektor ng enerhiya. Matatandaang si GMA mismo ang nagpasa ng Electric Power and Industry Reform Act o EPIRA na nagbukas para sa pagsasapribado ng NPC at pagbibigay kapangyarihan sa mga Independent Power Producers o IPPs na ariin at pagkakitaan ang enerhiya sa bansa.

 

Sahod at trabaho, WALA!

  • Sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, hindi na makaagapay ang kakarampot na sweldo ng manggagawa. Ipinagmalaki ng administrasyon ang Wage Order #13 na nagbigay ng P13.00 limos sa Cost of Living Allowance ng manggagawang Bikolano.

 

  • Ang mga manggagawa sa pribadong sektor, transportasyon partikular ang mga drayber ng dyip ay nagtitiis sa P200 arawang kita. Kulang na kulang para sa P678 daily cost of living allowance ng bawat pamilyang Bikolano.

 

  • Mismong datos ng gobyerno batay sa pinakabagong inilunsad na Labor Force Survey ng National Statistics Office noong Abril 2008 ay nagpapatunay sa kainutilan nito upang bigyan ng trabaho ang mga mamamayan. Ayon sa nasabing sarbey, tumaas ang tantos ng walang trabaho sa 6.5% o 1.2% mas matasas kaysa noong Abril 2007.

 

Korapsyon, katiwalian at pandarambong LAGANAP!

·          Ang katotohanan sa kalagayan ng bansa ngayon ay ang malaganap na korapsyon na lalong nagpapasiklab sa galit ng mamamayan. Ang P728 milyon Fertilizer Fund Scam, P3.1 bilyon Irrigation Fund Scam at ang $329 milyon NBN-ZTE Deal na pinirmahan mismo ni GMA sa China noong 2006. Mga isyung sangkot ang unang pamilya, kaya’t gamit ang mga masugid na kaalyado sa kongreso pilit hinaharang ang anumang imbestigasyon kaugnay ng mga nabanggit na usapin.

 

  • Sa ngalan ng tubo at pagbibigay pabor sa mga dayuhang korporasyon, walang habas ang pagbebenta at pandarambong sa likas yaman ng rehiyon. Sa pakikipagsabwatan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) tuloy-tuloy ang pagmimina sa isla ng Rapu-Rapu habang nakatakdang minahin ang ilang lugar sa Masbate.

 

Sa paghambalos ng mga isyung ito sa mga Bikolano ay maraming tumitindig at lumalaban. Ang sagot naman ng rehimen ay pinaigting na pamamaslang at paglabag sa karapatang pantao. Mula 2001 hanggang ngayong taon umabot na sa 160 ang kabuuang bilang ng mga pinaslang sa rehiyon. Sa kasalukuyan, tumitindi ang pandarahas at operasyong militar ng 2nd Infantry Battalion sa buong Bikol lalo na sa Masbate at Albay.

 

Ngunit sa kabila ng mga krisis at pasakit hindi mapigilan ang militanteng paglaban ng mga Bikolano. Papasigla ang mga protesta at pagkilos para ipaglaban ang karapatan at kagalingan ng mas nakararami. Ngayong Lunes Hulyo 28, muli nating ipakita ang ating nagkakaisang tinig at lakas. LUMAHOK SA PAGKILOS!

 

Papet, pasista, pahirap sa masa! Patalsikin si Gloria!

Panagutin at patalsikin ang kurap na rehimeng Arroyo!

Kontrolin ang presyo ng langis! Ibaba ang singil sa kuryente!

VAT sa langis at kuryente, tanggalin!

Tutulan ang NPC takeover sa ALECO!

Sahod itaas! Presyo ibaba!


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help