Bayan's posts with tag: ka bel

|  | Dinala ang labi ni Ka bel sa kanyang hometown sa Bacacay Albay noong Mayo 24-26. Sinalubong sya ng masang anakpawis, mga kaibigan at kasama.
Umabot sa 73 sasakyan ang nagcaravan mula sa Legazpi Airport, patungong Bacacay. Pagdating sa Bacacay, lumabas ang mga tao sa gilid ng highway bilang pagpupugay sa isang Tunay Mapusog na Lider Obrero.
Paaram Ka Bel.... ipapadagos mi ang saimong napunan na laban sagkod na maabot ang sosyedad na malaya, may-pagkakapantay-pantay asin demokrasya.
|
Kuha ito sa shooting ng Pulitika ng Masa na ginawa ng Bikol XPress. Pinalabas noong Eleksyon 2004 PnM bloopers-1-1.mpg (4.9 MB)
Magki-kita tayo sa Airport ng Legazpi City sa Sabado Mayo 24, alas 8:00 ng umaga. Caravan from airport to Redemptorist Gogon Legazpi para sa misa then diretso sa Global Coliseum ng Bacacay Albay kung saan gaganapin ang lamay at parangal sa Kagalang-galang na Bikolanong si Kasamang Crispin Beltran ang dakilang lider manggagawa at AnakPawis Representative.
Muli nating ihahatid si Ka Bel sa Lunes Mayo 26 mula sa Bacacay patungong airport para ibalik sya sa Manila.
Ang National Day of Mourning and Protest ay sa Myerkules Mayo 28. Ililibing ang labi ni Ka Bel sa San Jose Del Monte Bulacan.
Sa lahat na nakakakilala, kaibigan, mga kasama at sa lahat na mga Bikolano, dalawin natin ang kanyang labi at makidalamhati sa kanyang pamilyang naiwan....
Aasahan namin ang inyong pagtugon. Salamat!
| |
|